Linggo, Enero 6, 2013

 PANCIT BATIL PATONG
           
             Ang Pancit Batil Patong ang isa mga pinakamasarap na espesyal na pagkain dito sa lungsod ng Tuguegarao. Ito ay dinarayo ng mga turista na bumibisita sa ating rehiyon. Meron itong iba't ibang pagpipilian, meron silang tinatawag na Regular,Special, at Super Special na mabibili sa iba't ibang mga Panciteria dito sa Lungsod.

Sabado, Enero 5, 2013

                            CALVARY HILLS                                                        
             
        Ang Calvalry Hills ay matatagpuan sa Iguig,Cagayan. Ginawa ito noong 1982 sa ideya ni Father Rogelio Cortez. Ipinapakita rito ang iba't ibang estasyon ng krus.
                                                    

 Ang Calvary Hills ang "most photograped" atraksyon sa Cagayan hindi lang dahil sa mga malalaking istatwa na makikita rito  kung hindi rin sa magandang nitong tanawin kung saan makikita mo rin ang cagayan river mula sa burol. Ang Calvary Hills ay isa sa mga kagila-gilas na tanawin ng Iguig.
Chapel sa loob ng Kweba
                                    CALLAO CAVE
Pormasyon ng papak ng anghel

 Ang Callao Cave ay isa sa mga sikat na destinasyon sa Cagayan. Matatagpuan ito sa Barangay Magdalo at Quibal sa Penablanca. Ito ay mayroon pitong kamara at iba't ibang pormasyon ng bato tulad ng   haligi,kapilya,anghel na  nagdarasal at maraming pang iba.

Mayroon itong isang natural na kapilya sa loob nito. Marami ring ibang kweba sa pook na ito tulad ng Sierra at Quibal Cave.

Ikaapat na kamara "Ice Cream Room"
Buto ng Callao Man
Dito rin sa kuwebang ito matatagpuan ang pinakamatandang tao sa Pilipinas ang Callao Man. Nahanap ang Callao Man na may tandang 67 000 gulang